Aplikasyon para sa First Batch ng Livelihood Programs, Bukas Na!

January 6, 2026

Bukod sa Computer Literacy Programs, nagkakaloob din ang Pasig City Skills Development Office ng libreng Livelihood Programs para sa mga Pasigueño.
Bukas ito para sa mga nagnanais matuto (anuman ang edad o kasarian) ng bagong kasanayan na maaaring gawing pangkabuhayan o tulong sa paghahanap ng trabaho
Ang Livelihood Programs ay isinasagawa sa iba’t ibang barangay at institusyon upang mas mapalapit sa mga komunidad sa Lungsod ng Pasig.
Narito ang listahan ng training centers at mga programang inaalok kada center.

Barangay Hall ng San Miguel:
▪ Arts & Crafts


Nagsabado Hall Bliss 3, Westbank, Maybunga:
▪ Housekeeping


Barangay Hall ng Sumilang:
▪ Silk Screen Printing
▪ Hairdressing
▪ Beauty Care
▪ Massage Therapy


Pasig City Institute of Science & Technology (PCIST) – Bambang:
▪ Food Processing
▪ Cookery


PCIST – Sta. Lucia:
▪ Dressmaking


Para sa mga nais mag-enroll, ihanda at i-submit ang mga sumusunod na requirements:
▪ 1 updated Barangay Clearance
▪ 1 photocopy ng PSA Birth Certificate
▪ 1 photocopy ng kahit anong valid ID
▪ 4 pcs. 1x1 picture na may white background
Paraan ng pagsusumite ng requirements:
Ilakip ang requirements sa isang envelope at ipasa ito sa PCIST Bambang (Pio Alvarez St., Brgy. Bambang, Pasig City).
Kaya naman Pasigueño, para sa "New Year, New Skills" Goal mo ngayong 2026, tara na at mag-enroll na sa Livelihood Programs ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig!

__
Interesado sa mga programang ipinagkakaloob ng Pasig City Skills Development Office? I-follow ang kanilang official Facebook Page: Pasig City Skills Development Office para sa updates at iba pang impormasyon!