Anunsyo mula sa Pasig City Persons with Disability Affairs Office ukol sa 2025 Handog Pasasalamat para sa mga PWD (Christmas Cash Gift)
February 3, 2026
















Para sa mga Person with Disability (PWD), narito ang schedule at venue ng distribusyon ng 𝟮𝟬𝟮𝟱 𝗛𝗮𝗻𝗱𝗼𝗴 𝗣𝗮𝘀𝗮𝘀𝗮𝗹𝗮𝗺𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗣𝗪𝗗 (𝗖𝗵𝗿𝗶𝘀𝘁𝗺𝗮𝘀 𝗖𝗮𝘀𝗵 𝗚𝗶𝗳𝘁) sa mga miyembro nito na:
- hindi pa nakakahuha ng cash gift (𝘄𝗮𝗹𝗮 𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗶𝗹𝗮𝗯𝗮𝘀 𝗻𝗮 𝘀𝗰𝗵𝗲𝗱𝘂𝗹𝗲 𝗻𝗼𝗼𝗻𝗴 𝟮𝟬𝟮𝟱)
- hindi nakapunta sa itinakdang schedule ng distribusyon (𝘂𝗻𝗰𝗹𝗮𝗶𝗺𝗲𝗱 𝗰𝗮𝘀𝗵 𝗴𝗶𝗳𝘁)
Kung ang mismong PWD ang magke-claim, dalhin lamang ang mga sumusunod na dokumento:
- Original na PWD ID
- Photocopy ng PWD ID (may tatlong pirma o thumb mark)
Kung authorized representative naman ang magke-claim, narito ang mga dokumento na kinakailangan dalhin:
- Original na PWD ID
- Photocopy ng PWD ID (may tatlong pirma o thumb mark)
- Photocopy ng valid government-issued ID ng authorized representative (may tatlong pirma o thumb mark)
- Authorization Letter na mayroong pirma o thumb mark ng PWD
- Printed photo ng PWD kasama ang authorized representative na may hawak na kalendaryo, at nakaturo sa petsa ng schedule ng distribusyon ng inyong barangay
- Certificate of Guardianship (kung hindi immediate family member ang authorized representative)
Paalala lamang po na tanging mga validated na PWD lamang noong nakaraang taon ang mabibigyan ng cash gift. Mangyari lamang din na sundin ang itinakdang schedule at venue ng distribusyon para sa inyong barangay.
Para sa iba pa mga impormasyon o mga katanungan, makipag-ugnayan lamang sa Pasig City PDAO o sa mga PWD Coordinator ng inyong barangay.
Maraming salamat po.
—
Ang kumpletong listahan ng mga tatanggap ng cash gift ay maaaring makita mula sa mga PWD Office o help desk sa inyong mga barangay.
Abangan ang susunod na post ng Pasig City PDAO para sa anunsyo ng mga susunod na batch ng distribution.