ALAM NIYO BA? | Nagsabado sa Pasig

August 29, 2025

๐๐€๐†๐’๐€๐๐€๐ƒ๐Ž ๐’๐€ ๐๐€๐’๐ˆ๐†

Noong Agosto 29, 1896 (Sabado), pinamunuan ni Valentin Cruz ang halos dalawang libong Katipunero mula sa mga baryo ng Pasigโ€”Kapasigan, Palatiw, Maybunga, Rosario, Caniogan, Bagong Ilog, Pineda, at Ugong.

Nagtipon sila malapit sa tulay patungo sa cuartel at simbahan (ngayoโ€™y bahagi ng A. Mabini malapit sa Dimasalang), at matagumpay na sinakop ang tribunal at cuartel ng Guardia Civil. Nasamsam ang mga armas na kalaunan ay dinala upang makipagsanib-puwersa sa Supremo, Andres Bonifacio, sa Pinaglabanan.

Isang Katipunero mula sa Bagong Ilog ang unang martir na inialay ng Pasig para sa Kalayaan.

"Tunay na magigiting ang Batampasigโ€”unang nakibaka, unang nagtagumpay, at buong tapang na nag-ambag sa himagsikan para sa Kalayaan ng Pilipinas."