ALAM MO BA? | Painted Gutters/Curbs and Their Significance
September 5, 2026
Sa kalsada, hindi lamang traffic signs ang dapat nating pagtuunan ng pansin at maunawaan. Mahalaga ring matutunan ang ibig sabihin ng mga kulay ng pintura sa mga bahagi nito gaya ng GUTTER o CURB.
ALAM MO BA? Ang ibig sabihin ng WHITE GUTTER/CURB ay “Open for Quick Pick-Up and Drop-Off.” Samantala, ang YELLOW GUTTER/CURB ay nangangahulugang “No Parking,” habang ang RED GUTTER/CURB naman ay “No Loading Or Unloading.”
Alamin sa post ng Pasig Transport (City Transportation Development and Management Office) ang mga kaukulang multa sa mga paglabag sa mga panuntunang ito.
—
MUNTING PAALALA SA MGA MOTORISTA:
Maging maalam sa mga batas at panuntunan sa trapiko, sundin ang mga ito, at manatiling responsable sa paggamit ng kalsada para sa kaayusan at kaligtasan ng bawat isa.
---
Napansin mo ba na bukod sa karaniwan na 𝐖𝐡𝐢𝐭𝐞 𝐩𝐚𝐢𝐧𝐭𝐞𝐝 𝐠𝐮𝐭𝐭𝐞𝐫/𝐜𝐮𝐫𝐛, may dalawa pang kulay ang mga gutter/curbs sa Pasig? 𝐀𝐭 𝐦𝐞𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐢𝐛𝐢𝐠-𝐬𝐚𝐛𝐢𝐡𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐢𝐭𝐨!
Kapag ang gutter/curb ay yellow, ang ibig sabihin nito ay 𝐍𝐎 𝐏𝐀𝐑𝐊𝐈𝐍𝐆. Ang mahuhuling lalabag dito ay mag babayad ng multa sa 𝟏𝟎𝟎𝟎 𝐩𝐞𝐬𝐨𝐬 at magkakaroon ng 𝐈𝐋𝐋𝐄𝐆𝐀𝐋 𝐏𝐀𝐑𝐊𝐈𝐍𝐆 𝐕𝐈𝐎𝐋𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍.
Kapag ito naman ay red, ang ibig sabihin nito ay 𝐍𝐎 𝐋𝐎𝐀𝐃𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐍𝐃 𝐔𝐍𝐋𝐎𝐀𝐃𝐈𝐍𝐆. Ang mahuhuling lalabag dito ay mag babayad ng multa na 𝟏𝟎𝟎𝟎 𝐩𝐞𝐬𝐨𝐬 at magkakaroon ng 𝐕𝐈𝐎𝐋𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐎𝐅 𝐋𝐎𝐀𝐃𝐈𝐍𝐆/𝐔𝐍𝐋𝐎𝐀𝐃𝐈𝐍𝐆.