ALAM MO BA? | Bawal ang De-Motor sa Bike Lanes
August 28, 2026
Bilang motorista, naiisip mo rin bang dumaan sa bike lane o huminto sa bike box kapag bakante ito para makaiwas sa mabigat na trapiko?
𝐀𝐋𝐀𝐌 𝐌𝐎 𝐁𝐀? Ipinagbabawal ang pagdaan at pagparada ng mga sasakyang de-motor sa mga bahagi ng kalsadang may road marking para sa mga bisikleta, kabilang ang bike lanes at bike boxes. Ito ay alinsunod sa 𝗦𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝟮𝟭 𝗻𝗴 𝗥𝗲𝘃𝗶𝘀𝗲𝗱 𝟮𝟬𝟭𝟲 𝗧𝗿𝗮𝗳𝗳𝗶𝗰 𝗮𝗻𝗱 𝗣𝗮𝗿𝗸𝗶𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗖𝗼𝗱𝗲 𝗼𝗳 𝗣𝗮𝘀𝗶𝗴 𝗖𝗶𝘁𝘆 (𝗢𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗡𝗼. 𝟮𝟯, 𝘀. 𝟮𝟬𝟭𝟲).
Ang mga mahuhuling lalabag nito ay papatawan ng kaukulang multa. I-check ang mga detalye sa post ng Pasig Transport (City Transportation Development and Management Office).
—
𝗠𝗨𝗡𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥𝗜𝗦𝗧𝗔:
Ang mga road marking ay hindi basta mga guhit sa kalsada; gabay ang mga ito para sa maayos, ligtas, at patas na paggamit ng kalsada. Respetuhin ang mga road marking hindi lamang upang makaiwas sa multa kundi upang matiyak ang kaligtasan ng bawat isa na gumagamit ng daan.