Advisory | Scheduled Cleaning and Decontamination of PCGH-ER on March 9-11, 2026
March 9, 2026
PASIG CITY GENERAL HOSPITAL
(EMERGENCY ROOM)
Ipinapabatid sa publiko na simula bukas, March 10, 2026, ganap na 12:01MN, isasailalim sa nakatakdang paglilinis at dekontaminasyon ang Emergency Room (ER)
ng Pasig City General Hospital (PCGH).
Kaugnay nito, pansamantalang ililipat sa temporary ER area ang mga pasyenteng kasalukuyang narito simula mamayang gabi, March 9, 2026, sa ganap na 06:00PM hanggang 12:00MN.
Matapos ang paglilipat, saka isasagawa ang nakatakdang wall-to-wall cleaning, repair and maintenance, cleaning and disinfection ng mga kama at kagamitan, pest control, at misting and UV disinfection hanggang sa March 11, 2026, sa ganap na 11:59PM.
Sa panahong ito, bibigyang prayoridad ang mga pasyenteng nasa kritikal na kondisyon upang matiyak na makakapagbigay ng agarang pangangalagang medikal.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng PCGH na maiwasan ang pagkalat ng impeksyon at mapanatiling ligtas, malinis, at maayos ang pasilidad para sa lahat ng pasyente at kawani ng nasabing ospital.
Samantala, muling babalik sa orihinal na lokasyon ang ER sa Huwebes, March 12, 2026, sa ganap na 12:00MN.
Kami po ay humihingi ng paumanhin sa anumang abala na maaaring idulot nito. Lubos pong pinahahalagahan ng Pamahalaang Lungsod ang pagpapanatili ng malinis, ligtas, at maayos na kapaligiran sa ating ospital.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.