Advisory | Pasig City General Hospital Hemodialysis and Peritoneal Dialysis Unit

December 23, 2025

Ipinapabatid sa lahat na ang Pasig City General Hospital (PCGH) - Hemodialysis and Peritoneal Dialysis Unit ay sarado sa darating na December 25, 2025 at January 1, 2026, kaugnay ng pagsasagawa ng preventive maintenance ng hemodialysis, reverse osmosis, at reprocessing machines ng nasabing pasilidad.
Upang matiyak ang tuloy-tuloy na serbisyong medikal at walang maaantalang scheduled appointments, ang lahat ng pasyente – kasalukuyang naka-admit sa PCGH at outpatient – na nangangailangan ng dialysis treatments ay maseserbisyuhan ng nasabing unit ng December 22 - 27, 2025 at December 29, 2025 - January 3, 2026, Lunes hanggang Sabado, 06:00AM-08:00PM, maliban lamang sa mga nabanggit na petsa na pumatak sa araw ng Huwebes.
Maraming salamat sa inyong pang-unawa.