Advisory para sa Local Senior Pensioners na ATM Holders
September 18, 2025
Naipasok na po sa inyong Benefit Cash Card (ATM) ang 2025 Third Quarter (July - September) Local Senior Pension mula sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig.
Maaari na itong ma-withdraw mula sa mga Land Bank ATM at ATM ng iba pang bangko na kabilang sa Bancnet (may minimal transaction fee).