ADVISORY | Mutya ng Pasig Mega Market (July 22, 2024)

July 22, 2024

MUTYA NG PASIG MEGA MARKET ADVISORY
Ngayong araw, July 22, 2024, whole day ang operations ng Mutya ng Pasig Mega Market para magkaroon ng mas maraming oras na makapamalengke ang mga mamimili nito.
Bukod pa rito, effective na rin ang extended operating hours ngayong araw, simula 01:00AM hanggang 10:00PM. Tatagal ang extended operating hours ng palengke hanggang sa August 31, 2024.
Samantala, mananatili namang half day ang operations ng palengke sa ikaapat na Lunes sa buwan ng Agosto (August 26, 2024) para magbigay daan sa paglilinis nito.
PAALALA:
Direktang kumausap at magtanong sa stalls sa palengke. Ito ay para maiwasan ang posibilidad na makausap ang mga indibidwal na kumukuha ng order ng mga mamimili ngunit nagpapatong ng malaking halaga sa presyo ng mga bilihin.
Para sa mga katanungan at reklamo, maaring magtungo sa Complaint Desk ng Mutya ng Pasig Mega Market na matatagpuan sa 2/F ng palengke. Maaari ring magpatulong sa SOG (security ng palengke) para makita ito.