Advisory | Cash Subsidy para sa Eligible Solo Parents (April 1, 2026)
April 1, 2026
[Para sa ATM Card Holders]
Naipasok na po sa inyong Cash Card (ATM) ang 2026 First Quarter (January - March) Cash Subsidy mula sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig. Ang mga makakatanggap ng Cash Subsidy sa ATM ay ang mga eligible solo parent na nakapagpa-validate noong January - February 2026.
Maaari na itong ma-withdraw mula sa mga Land Bank ATM at ATM ng iba pang bangko na kabilang sa Bancnet (may minimal transaction fee).