Advisory | Aplikasyon ng Certificate of Conformance
June 23, 2026
𝗜𝗽𝗶𝗻𝗮𝗽𝗮𝗯𝗮𝘁𝗶𝗱 𝗻𝗴 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗣𝗹𝗮𝗻𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 (𝗖𝗣𝗗𝗢) 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗯𝘂𝘀𝗶𝗻𝗲𝘀𝘀 𝗼𝘄𝗻𝗲𝗿 𝘀𝗮 𝗟𝘂𝗻𝗴𝘀𝗼𝗱 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝘀𝗶𝗴 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗻𝘀𝗮𝗺𝗮𝗻𝘁𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝗴𝗶𝘁𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗼𝗻𝗹𝗶𝗻𝗲 𝗮𝗽𝗽𝗹𝗶𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗹𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝗶𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝘁𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗽 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗴𝗽𝗿𝗼𝘀𝗲𝘀𝗼 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗮𝗽𝗹𝗶𝗸𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝗖𝗲𝗿𝘁𝗶𝗳𝗶𝗰𝗮𝘁𝗲 𝗼𝗳 𝗖𝗼𝗻𝗳𝗼𝗿𝗺𝗮𝗻𝗰𝗲 (𝗖𝗢𝗖) 𝘀𝗮 𝗝𝘂𝗻𝗲 𝟮𝟰-𝟮𝟱, 𝟮𝟬𝟮𝟲 (𝗠𝗶𝘆𝗲𝗿𝗸𝘂𝗹𝗲𝘀 𝗮𝘁 𝗛𝘂𝘄𝗲𝗯𝗲𝘀).
Lahat ng transaksyon kaugnay ng COC na ipinagkakaloob ng CPDO sa Temporary Pasig City Hall, gayundin sa mga satellite offices nito sa Ayala Malls The 30th, Mutya ng Pasig Mega Market, at Robinsons Metro East, ay maaaring gawin gamit ang City-wide Land Information Management and Automation (CLIMA) Portal.
Tingnan ang Photo #2 para sa summary at susunod pang photos (Photo # 3-12) para naman sa Step-by-Step Guide para sa pagsusumite ng mga bagong aplikasyon at renewal ng COC sa pamamagitan ng CLIMA Portal.
Maaaring i-access ang portal sa pamamagitan ng link na ito: tinyurl.com/CLIMA-COC o i-scan ang QR code na nasa material.
Pinaaalalahanan ang lahat na tiyaking tama at kumpleto ang mga impormasyong ilalagay at mga dokumentong isusumite upang maiwasan ang pagkaantala sa pagproseso ng aplikasyon.
Para sa mga katanungan, maaaring makipag-ugnayan sa CPDO sa 8643-1111 local 1611 o mag-email sa cityplanning@pasigcity.gov.ph.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.










