Abiso ukol sa General Cleaning at Maintenance Schedule ng Mutya ng Pasig Mega Market

January 25, 2026

Simula bukas, Lunes, January 26, 2026, balik sa half day operation ang Mutya ng Pasig Mega Market tuwing ika-apat na Lunes ng buwan para magbigay daan sa general cleaning at maintenance ng palengke.
Patuloy pa rin ang pagpapatupad ng patakarang “Pwesto at Tapat Ko, Linis Ko” sa Mutya ng Pasig Mega Market, kung saan ang bawat vendor ay katuwang sa pagpapanatili ng kalinisan ng kani-kanilang pwesto, maging sa tapat nito, bilang bahagi ng sama-samang responsibilidad sa kaayusan ng palengke.
Inaasahan po ang inyong pag-unawa at kooperasyon.
Maraming salamat po.