Abiso para sa Senior Citizens ng Barangay Santolan ukol sa PVC ID Updating

October 3, 2025


Narito po ang schedule ng Barangay Santolan para sa pagpapalit ng Senior Citizen ID para maging PVC ID na ito. 

Paalala lamang po na ang lahat ng senior citizen mula sa nasabing barangay na rehistrado sa Pasig City Office for Senior Citizens Affairs (OSCA) na kasalukuyang may original Senior Citizen ID ay kinakailangang sumailalim sa data capturing para makapagpalit patungo sa isang PVC ID.

Gabay sa pagbabasa ng material:

Photo #2: Proseso ng Data Capturing para sa PVC ID

Photos #3: Mahahalagang paalala kaugnay ng pagpapalit ng Senior Citizen ID para maging PVC ID

Photo #4: Schedule at Venue ng Data Capturing para sa Barangay Santolan | October 6-10, 2025 

Photo #5: Mga Dapat Tandaan sa Araw ng Pagrelease ng PVC ID (Hintayin ang anunsyo mula sa Senior Citizen Help Desk ng inyong Barangay)

–

Para naman sa schedule ng data capturing sa natitirang barangay sa Lungsod ng Pasig, paki-antabayanan na lamang po ang mga susunod na anunsyo patungkol dito.

Ipo-post ang opisyal na anunsyo dito lamang sa Facebook Page ng Pasig City Public Information Office at Pasig City Office for Senior Citizens Affairs (OSCA) sa oras na mapinalisa na ang mga detalye at koordinasyon sa mga barangay kaugnay nito. Maaari ring makibalita sa pamamagitan ng Senior Help Desk Officer ng inyong mga barangay para sa inyong schedule.

–

Sa mga concern at iba pang katanungan patungkol sa aktibidad na ito, maaari po kayong magpadala ng mensahe sa Facebook Page ng Pasig City OSCA o makipag-ugnayan sa inyong Senior Citizen Help Desk Officer.

Maraming salamat po at inaasahan po namin ang kooperasyon ng mga senior citizen at kanilang kaanak para sa maayos na pagsasagawa ng aktibidad na ito.