Abiso Mula sa Sanitation Office | Babala sa Leptospirosis at Iba Pang Sakit Mula sa Daga
July 1, 2026
Dahil tag-ulan na naman, tumataas din ang posibilidad ng pagdami ng mga daga na maaaring magdala ng mga sakit tulad ng leptospirosis, salmonellosis, at iba pang rodent-borne diseases.
Kaya naman, bilang paunang hakbang upang maprotektahan ang ating kalusugan, mahalagang panatilihing malinis ang ating tahanan at kapaligiran. Ang wastong pagtatapon ng basura, regular na paglilinis, at pagsasara ng mga posibleng daanan ng mga daga ay ilan lamang sa simpleng paraan upang maiwasan ang kanilang pamumugaran.
Para sa iba pang mahahalagang impormasyon tungkol sa mga sakit na maaaring idulot ng mga daga, hakbang upang maiwasan ang rodent infestation, at senyales na dapat bantayan sa inyong tahanan, basahin ang orihinal na post mula sa Pasig City Environmental Sanitation Office.