Abiso mula sa PDAO | Libreng Operasyon para sa Cleft Lip at Cleft Palate
March 12, 2026
πππππππ ππππ ππ πππππ ππππ πππππππ ππππ ππππππππππ ππ
π
ππππ ππ
π
πππ
Nakikipagtulungan ang Pasig City Persons with Disability Affairs Office (Pasig City PDAO) sa Operation Restore Hope Australia (OHRA) at The Mead Foundation kaugnay ng pagkakaloob ng libreng operasyon para sa mga PasigueΓ±ong may cleft lip o cleft palate.
Layon ng programang ito na matulungan ang mga indibidwal na may ganitong kondisyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng surgical intervention para sa ikabubuti ng kanilang kalusugan at pagbabalik ng kumpiyansa sa kanilang sarili.
Sa kasalukuyan, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng PDAO, katuwang ang Pasig City Health Department (CHD), sa OHRA at The Mead Foundation upang ayusin ang mga detalye ng programang ito, kabilang ang proseso ng screening, assessment, at ang schedule ng isasagawang medical mission.
Sino ang maaaring lumahok sa programang ito?
- Residente ng Pasig City (bata man o matanda)
- May cleft lip o cleft palate
- Mga nag-undergo na ng cleft repair ngunit nangangailangan ng revision surgery (subject to medical evaluation)
Para sa mga interesadong magpalista, maaaring sagutan ang link na ito: https://docs.google.com/.../1FAIpQLSc9prCEDcfkys.../viewform
Paalala lamang po na ang nasabing programa ay kasalukuyan pang nasa yugto ng pagbuo ng kasunduan. Ang pagkalap ng impormasyon ay hindi nangangahulugang awtomatikong makakabilang sa programa. Sa halip, ang mga impormasyong makakalap ay gagamitin ng CHD para sa initial assessment upang matukoy at ma-endorso ang mga kwalipikadong PasigueΓ±o para sa 2026 OHRA Medical Mission.
Tingnan ang original na post ng PDAO para sa iba pang impormasyon tungkol sa nasabing programa. Maaari ring makipag-ugnayan sa kanilang Facebook Page para sa mga karagdagang katanungan.