Abiso mula sa Pasig City General Hospital (Department of Obstetrics and Gynecology) | February 20, 2026
February 20, 2026
Ipinapabatid po sa publiko na isasailalim sa nakatakdang paglilinis at infection control procedures ang Obstetrics (OB) Internal Examination Room, OB Admitting Section, at OB Labor Room-Delivery Room Complex ng Pasig City General Hospital (PCGH).
Kaugnay nito, pansamantalang isasara sa publiko ang mga nabanggit na pasilidad simula bukas, February 21, 2026, sa ganap na 12:00MN, hanggang sa Linggo, February 22, 2026, sa ganap na 11:59PM.
Tanging mga pasyenteng nangangailangan ng agarang pagpapaanak at mga nasa kritikal na kalagayan ang maaaring tanggapin sa mga nabanggit na petsa.
Ang hakbang na ito ay alinsunod sa panuntunan ng Infection Prevention and Control Unit ng PCGH upang matiyak ang kalinisan, kaligtasan, at mataas na kalidad ng serbisyong medikal para sa lahat ng pasyente at kawani ng nasabing ospital.
Samantala, muling magbubukas ang mga pasilidad sa Lunes, February 23, 2026, sa ganap na 12:00MN.
Kami po ay humihingi ng paumanhin sa anumang abala na maaaring idulot nito. Lubos po naming pinahahalagahan ang pagpapanatili ng malinis, ligtas, at maayos na kapaligiran sa ating ospital.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.