ABISO: Cyberattack on Pasig City Government Employees Management System

April 21, 2025

ABISO

CYBERATTACK ON PASIG CITY GOVERNMENT EMPLOYEES MANAGEMENT SYSTEM

Noong April 15, 2025, bandang 08:00PM, ay na-detect ang isang cyberattack na tina-target ang Pasig City Government Employee Management System (Pasig City GEMS). Agarang nai-report ito matapos na hindi makapasok sa system ang mga empleyado ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig.  Sa kasalukuyan, wala pang naitatalang pag-leak ng datos na nilalaman ng nasabing system.

Sa ngayon, nananatiling hindi accessible ang Pasig City GEMS 

at mananatili itong naka-down hangga’t hindi ito nareresolba.

Kaugnay nito, nakikipagtulungan na ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa Department of Information and Communications Technology para agarang matukoy ang pinagmulan ng issue.

Sa parte ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, ongoing na ang restoration efforts para mapaganang muli ang system. Bukod pa rito, nagsasagawa rin ng imbestigasyon at patuloy na pinapaigting ang security sa lahat ng systems ng Pamahalaang Lungsod.

Magpapalabas ng memorandum ang Human Resource Development Office (HRDO) kaugnay ng status ng Pasig City GEMS, maging ang epekto ng cyberattack sa operations ng opisina at maging sa data security.