300 GIP-OSY Batch 1 Interns, Nai-deploy na sa Pasig City Hall
January 29, 2026







πππππ π πππππππ ππππ ππ πππ-πππ, πππ-ππππππ ππ ππ πππ πππππππππ ππ πππππππππππ πππππππ ππ πππππ!
Opisyal nang nai-deploy ang 300 interns sa ibaβt ibang tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig para sa Batch 1 ng Government Internship Program β Out-of-School Youth (GIP-OSY) noong Lunes, January 26, 2026.
Bago sila opisyal na natanggap, ang mga intern ay dumaan sa isang mabusising proseso ng aplikasyon sa pangunguna ng Pasig City Public Employment Service Office (PESO). Kasama rito ang pagsusuri ng kanilang isinumiteng requirements sa online application at ang interview upang matiyak na sila ay kwalipikado para sa nasabing programa.
Kasama sa proseso ng pagtanggap ang orientation na isinagawa ng PESO, kung saan ipinaliwanag ang saklaw ng mga gawain at ang mga dapat at hindi dapat gawin bilang interns ng lokal na pamahalaan.
β
Ang mga intern na natanggap para sa Batch 1 ng GIP-OSY ay kinakailangang mag-report kung saang opisina o departamento sila itinalaga ng PESO simula January 26, 2026 hanggang July 25, 2026.