2026 National Women's Month | WOW Entrepreneur Series

March 5, 2026

Ngayong Buwan ng Kababaihan, handog ng Pasig City Local Economic Development and Investment Office (LEDIO) ang isang video series, ang 𝐖𝐎𝐖 𝐨 𝐖𝐨𝐦𝐞𝐧 𝐨𝐧 𝐖𝐨𝐫𝐤, tampok ang ilang babaeng MSME entrepreneurs sa Lungsod ng Pasig,
Para sa unang video, kilalanin natin si 𝗦𝗵𝗮𝘆 𝗔𝗯𝗮𝗱𝗶𝗹𝗹𝗮, isang negosyante na hinubog ng programa ng Youth Entrepreneurship Summit ng LEDIO.
Alamin kung paano siya nagsimula sa kanyang pagnenegosyo at ang kwento ng pagpapalago nito sa pamamagitan ng kanyang aktibong pakikilahok sa mga inisyatiba ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig.
Ang kwento ni Shay ay patunay na kapag sinamahan ng tamang suporta at oportunidad, ang pangarap ay magiging realidad. Ito rin ay testamento na ang kabataan at kababaihan, kayang-kaya pumasok at magtagumpay sa mundo ng negosyo!
Tulad ni Shay, maaari mo ring simulan at palaguin ang iyong negosyo. Sumali sa mga programa at pagsasanay na inihahandog ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig at maging bahagi ng lumalakas na komunidad ng mga lokal na negosyante.
𝐒𝐡𝐚𝐲 𝐀𝐛𝐚𝐝𝐢𝐥𝐥𝐚: 𝐂𝐞𝐫𝐭𝐢𝐟𝐢𝐞𝐝 𝐖𝐎𝐖 𝐚𝐧𝐝 𝐘𝐨𝐮𝐭𝐡 𝐄𝐧𝐭𝐫𝐞𝐩𝐫𝐞𝐧𝐞𝐮𝐫!

I-check ang video sa link na ito: https://www.facebook.com/reel/1238695028436015