2025 Annual Accomplishment Reporting: Done!
March 1, 2026














































๐๐ฉ ๐๐๐ฑ๐ญ: ๐๐๐๐ ๐๐ง๐ง๐ฎ๐๐ฅ ๐๐ง๐ฏ๐๐ฌ๐ญ๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐๐ฆ๐ฆ๐ข๐ง๐
Opisyal nang natapos ang marathon presentations ng 2025 Annual Accomplishment Reports (AAR) ng mga opisina/departamento ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig noong Biyernes, February 27, 2026.
Mga opisina/departamento mula sa Social-Health Subsector at kalahati ng Institutional-Governance and Administration Subsector ang mga nag-ulat noong Huwebes, February 26; samantalang ang mga natitirang opisina/departamento mula sa Institutional Sector (Governance and Administration at Fiscal and Regulatory Services Subsectors) at mga focal office ng Statutory and Mandatory Obligations at Mainstreaming/Attribution Offices naman ang sumalang noong Biyernes.
I-check ang post patungkol sa unang dalawang araw ng 2025 Annual Accomplishment Report para sa kabuuang detalye ng format ng reporting mula sa link na ito: https://www.facebook.com/share/p/1BtiLZG68r/
Gamit ang mga natutunan mula sa naging implementasyon ng mga programa, proyekto, at aktibidad (PPAs) mula 2025 bilang gabay sa ongoing na pagpapatupad ng PPAs ngayong 2026; hudyat ng pagtatapos ng presentasyon ng AAR ang pagpasok naman ng season ng paggawa ng Annual Investment Program para sa taong 2027.
__
Tuwing AAR presentation, humaharap ang kinatawan ng bawat opisina/tanggapan ng Pamahalaang Lungsod kina Mayor Vico Sotto at mga miyembro ng Local Finance Committee o LFC (binubuo ng City Administrator, City Planning and Development Coordinator, City Budget Officer, City Accountant, City Treasurer, at kinatawan mula sa Office of the City Mayor).
Kada matapos ang presentasyon ng isang departamento/opisina, nagbibigay ng pagkakataong makapagtanong at makapagbigay ng suhestiyon ang panel tungo sa pagpapabuti pa ng implementasyon ng mga PPA ng bawat departamento/opisina.
Bukod sa presentasyon ay may kaakibat ding narrative at Results-based Monitoring and Evaluation reports ang mga AAR ng mga departamento/opisina na siya namang kino-consolidate at ina-analisa ng City Planning and Development Office bago ito ipasa sa Commission on Audit.