2 Tulog na Lang, Online Application na ng SPES-ISY para sa Irregular College Students!
October 29, 2025


Nalalapit na ang pagbubukas ng online application para sa Special Program for Employment of Students In-School Youth (SPES-ISY), at sa round na ito, Irregular College Students naman ang bida!
Naka-ready na ba ang requirements ninyo? Kung hindi pa, pwedeng pwede pang mag-asikaso hanggang bukas, October 30, 2025!
Dahil sa Biyernes, October 31, 2025, ganap na 01:00PM ay ipo-post na ang links at bubuksan na ang Online Application ng SPES-ISY para sa Irregular College Students!
I-check ang original post para sa kabuuang detalye tungkol sa magiging online application sa Biyernes.